Babaeng Scout, namayagpag sa Luzon

Pinatunayan ni Scout Lexa Natalie Juntado ng Camarines Sur Council na may mararating ang mga babaeng katulad niya pagdating sa Kilusang Iskawting matapos piliing boses ng Luzon bilang Regional Scout Representative sa 2017 National Scout Youth Forum for Luzon na ginanap sa Sarung Banggi Resort, Las Aguas, Sto. Dominggo noong ika-10 ng Marso, 2017.

OLD AND NEW. RSR Miguel M. Manipon (Luzon) congratules his successor, RSR-Elect Lexa Natalie Juntado.

Juntado gets emotional as the winners were proclaimed.

Unang babaeng iskawt na nanalo bilang RSR ng Luzon si Scout Juntado matapos makakuha ng labindalawang boto (12) sa tatlumput-apat (34) na delegado sa nasabing Scout Youth Forum.

Scout Juntado, addressing the crowd after the proclamation of winners.

“I will work hard to empower the young girls in the Boy Scouts of the Philippines,” ani Scout Juntado.

Noong nakaraang taon, nakapasok bilang isa sa mga nanalo sa 2016 Search for the Ten Outstanding Boy Scouts of the Philippines si Scout Dianne Eden Villasis ng Cabanatuan City Council at noong 2014 nama’y nanalo rin bilang RSR ng Mindanao si Eagle Scout Rica Michelle Aguilar na nagpapatunay ng patuloy na pag-angat ng mga antas ng mga kakabihan sa kilusang iskawting.

“Scout Juntado is a testament of BSP’s continuing commitment towards gender equality, towards fully integrating and accepting girls in the BSP,” ika ni Scouter Kenny Ralph S. Fernando, Program Executive ng pambansang himpilan ng BSP at nagsilbing Forum Adviser ng 2017 NSYF.

Bilang RSR ng Luzon, si Scout Juntado ay magiging kasapi ng National Executive Board, ang pinakamataas na lupong tagapamahala ng BSP.

 

This article was written by Scout Carlo Jose O. Gianan (Regional Scout Representative for the National Capital Region), Secretary of the Organizing Committee of the 2017 National Scout Youth Forum for Luzon.

2 replies on “Babaeng Scout, namayagpag sa Luzon

  • Susana Cope Lingao

    Congratulations Scout Lexa Natalie Juntado. Being just proud of what u have become isn’t enough. Let me then tell you that u inspired me most as a woman who believes in this line: “NEver estimate a woman with scouting skills.” Good luck and God Bless!

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *